Manggagawang Filipino Essayists

Noong una, at hanggang sa ating panahon, inuuri ng platero ang ginto sa pamamagitan ng isang pirasong batong-buhay. Ikinikiskis dito ang anumang bagay na yari sa ginto, at ang bahid na naiiwan ay nagiging batayan sa pagtiyak sa halaga nito. Ang batong ginagamit sa ganitong pagsukat sa halaga ng ginto ay tinatawag na urian. Ang Gawad Urian ay pagsukat ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino sa kasiningan at kasanayan ng ating manlilikha sa pelikula. Ang gawad ay sagisag ng pagkilala sa kakayahang ito, ngunit, higit sa lahat, ito ay sagisag ng pagpapahalaga sa tungkulin ng manlilikha sa kanyang medyum at sa kanyang manonood.

 


Panuntunan

Pinakamahusay na Pelikula

Nagpapakita ang pinakamahusay na pelikula ng mapanlikhang pagsasanib ng iba’t ibang elemento ng pelikula, sa antas na di napantayan ng mga pelikulang kahanay nito. Sa mga sumusunod na pahina, makikita ang mga nominado sa iba’t-ibang kategorya.

Pinakamahusay sa Direksyon

Epektibo ang direksyon kung matagumpay ang director sa pagbibigay-buhay sa dulang pampelikula, at nagawa niyang ipabatid ang kanyang pagkaunawa sa material sa pamamagitan ng mapanlikhang pagsasanib ng iba’t ibang elemento ng pelikula.

Pinakamahusay na Dulang Pampelikula

Epektibo ang dulang pampelikula kung ito ay may makabuluhang nilalaman o karanasang sinusuri, at binabalangkas ito sa paraang orihinal ayon sa pangangailangan ng medyum ng pelikula.

Pinakamahusay na Pagganap

Epektibo ang pagganap ng isang pelikula kung matagumpay na nagawa ng artista na mapaniwala ang mga manonood sa tauhang kanyang inilalarawan, nalinawan sa mga motibong nagpapakilos sa mga tauhan, at maging saksi sa mga ugnayang personal at sosyal ng tauhan.

Pinakamahusay na Disenyong Pamproduksyon

Epektibo ang disenyong pamproduksyon kung nagawa nitong iskatuparan sa malikhaing paraan ang pook, tagpuan, make-up, kasuotan, at kagamitan na nagpapalitaw ng panahon, kapaligiran at katauhang hinihingi ng realidad ng dulang pampelikula.

Pinakamahusay na Sinematograpiya

Epektibo ang sinematograpiya kung matagumpay nitong naisalarawan ang nilalaman sa pamamagitan ng pag-iilaw, komposisyon, galaw, at ibang kaugnay na teknik ng kamera.

Pinakamahusay na Editing

Epektibo ang editing kung malikhain nitong pinakikitid o pinalalawak ang oras, kalawakan at galaw upang pangibabawin ang anumang nais ipahayag ng filmmaker.

Pinakamahusay na Musika

Epektibo ang musika sa pelikula kung pinalilitaw nito ang kahulugan, pinatitingkad ang atmospera at damdamin, nakatutulong sa pagtiyak sa katauhan, at inaayunan ang ritmo at daloy ng pelikula. Higit sa lahat, nais himukin ng Manunuri ang mga filmmaker na gumamit ng orihinal na musika.

Pinakamahusay na Tunog

Epektibo ang tunog sa pelikula kung naisalin nito nang buhay na buhay ang diyalogo, musika, epektong tunog at katahimikan, at ang mga ito’y naisasaayos sa malikhaing paraan.

Pinakamahusay na Maikling Pelikula

Nagpapakita ang pinakamahusay na maikling pelikula ng mapanlikhang pagsasanib ng iba’t ibang elemento ng pelikula, na ginawa sa labas ng kalakalan ng industriya, at sa antas na di mapapantayan ng mga kahanay nito.

 


Maikling Kasaysayan

Sa Taza de Oro sa Roxas Boulevard, noong Mayo 1, 1976, nagtipun-tipon ang siyam na katao at pinag-usapan ang pagbibigay ng taunang gawad sa mga pelikulang Pilipino. Ang siyam ay sina Pio de Castro, Behn Cervantes, Pete Daroy, Mario Hernando, Bien Lumbera, Doy del Mundo, Manny Pichel, Nick Tiongson at Nestor Torre. Hindi nakarating sa pulong si Gino Dormiendo, ngunit siya'y nagpahayag ng pagsang-ayon sa mga layunin ng grupo nang siya'y kausapin pagkaraan ng unang pulong.

Sa unang pulong, piniling maging chairman ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino si Nestor Torre at si Manny Pichel ang ginawang sekretaryo. Pinagkaisahang dalawang beses isang buwan magpupulong ang grupo — sa unang linggo pag-uusapan ang mga pelikula ng nagdaang buwan, at sa ikatlong linggo naman pag-uusapan ang mga bagay-bagay na may kinalaman sa organisasyon, layunin, pamantayan at iba pang problema sa panunuri. Tuwing matatapos ang tatlong-buwang pamimili, magpapalabas ang MPP ng isang listahan ng mga piling pelikula, na may kalangkap na maiikling paliwanag kung bakit pinapupurihan ang nakatalang mga pelikula. Sa pagtatapos ng taon, pararangalan ng grupo ang mga natatanging pelikula ng taon.

Ang madalas pagmulan ng mga puna at akusasyon laban sa MPP ay tila ang pagbibigay ng mga indibidwal na kritiko ng tiyak na anyo sa mga layunin ng grupo sa kani-kanilang rebyu. Walang nakasulat na dokumento na nagpapaliwanag kung ano ang mga layuning nagpapagalaw sa MPP. Subalit maaaring lagumin sa dalawang prinsipyo ang mga layuning iyan.

Una, naniniwala ang MPP na may karapatan ang mga manonood na maging masinop ang pagkakagawa ng mga pelikulang binabayaran nila upang panoorin, kung hindi man laging makabuluhan ang mga ito. At ikalawa, naniniwala rin ang MPP na ang grupo, sa pamamagitan ng mga rebyu at artikulo, ay makapagpaparating sa mga prodyuser at direktor ng mga punang makatutulong sa pagpapahusay ng kanilang mga produksiyon.

Sa kanilang pagsusulat, ang mga kasapi ng MPP ay nagbibitiw ng mga kahatulan at pagpapahayag na may bah id ng kanya-kanyang edukasyon at karanasan sa larangang kinabibi-langan nila bilang propesyonal. Dito nag-uugat ang unang pasubali sa panunuri ng MPP. Sinasabing ang karami-han sa mga kabilang sa MPP ay nakapa-loob sa unibersidad, at dahil diyan, kulang sila sa pag-unawa sa mga suliranin ng industriya ng pelikula.

Sa sampung kasapi ng MPP, pito ang dati'y nagturo o kasalukuyang nagtu-turo sa mga unibersidad. Isa ang nagtuturo sa paaralang elementarya sa isang exclusive school. Bagama't bawat isa ay may kanyang sari I ing antas ng kaalaman tungkol sa kasaysayan ng ating mga pelikula, ang mga kasapi ng MPP ay nananaliksik at nag-aaral tungkol sa industriya ng pelikula sa Pilipinas. Maaaring ang ilan ay lubhang mariing pumuna sa mga kakulangan ng ating mga pelikula. May kanya-kanyang estilo ng pagsusulat ang mga kasapi. at ito ay hindi dapat ipagkamali sa kaayawang umunawa sa mga problema ng ating mga prodyuser at direktor. Katimitan, ang tahasang pamimintas ay bunga lamang ng paniniwala ng kritiko na kaya ng ating mga prodyuser at direktor na makatikha ng mga peliku¬lang mas mahusay kaysa mga produktong karaniwan nilang ipinalalabas.

Ang isa pang akusasyon sa MPP ay may kinalaman sa epekto ng mga dating koneksiyon ng mga kasapi sa paggawa ng pelikula. Tila ito raw ay nakababawas sa sincerity o katapatan ng kanilang panunuri sa mga pelikula ng ibang direktor o iskriprayter na kakompetensiya o kaaway nila. Ma-hirap sagutin ang ganyang akusasyon. Hindi ito (ubusang mapabubulaanan ng kinauukulan, at hindi rin naman ito (ubusang mapatutunayan ng nagrereklamo. Ang magiging bunga raw ay siyang "titiyak kung sitaw o patani ang halamang nagsisimula pa lamang sumibol.

Ang ikatlong puna sa MPP ay siyang pinakamalubha. Ang mga pamantayan daw na ginagamit ng mga kasapi ay Kanlu¬ranin, kaya bukod sa lubhang mataas ay hindi angkop para sa mga pelikulang Pilipino. Lima sa mga Manunuri ang nakapag-aral sa E.U., pito ang nakapagtapos ng M.A., at isa ang may Ph.D. Totoo na sa Pilipinas, habang tumataas ang pinag-aralan ng isang tao ay (along nabibilad ang kanyang utak sa impluwensiya ng Kanturan. Hindi maitatanggi na martin ang tatak ng Kanluraning edukasyon sa pananaw at sa pamamaraan ng pagpuna ng mga Manunuri.

Sa isang pag-uusap tungkol sa pefikulang Nunal sa Tubig, nag ing buod ng isang mahabang talakayan ang "pamantayang Kanluranin." Sa pagpapalitan ng mga ideya, nilinaw ang pagkakaiba ng "teknika" o pamamaraan sa paggawa ng pelikula at ng "sensibilidad" o pananaw ng gumawa ng pelikula o ng nagsusuri dito. Ang "teknika" ay tumutukoy sa mga pamamaraan ng paglalarawan o pagpapahayag sa pamamagitan ng peli-kula. Sa Kanluran man osaanmang sulok ng daigdig, iisa ang "teknika" ng paggawa ng pelikula. Ang "sensibilidad" o pananaw ang nagbibigay ng kulay na dulot ng ku!-turang kinapapalooban ng direktor o kritiko. Kung ang pananaw ng direktor o kritiko ay Kanluranin ang kanyang ipalalaman o hahanapin sa pelikula ay mga diwa't damdaming Kanluranin. Mulat ang MPP sa ganitong pangyayari, at bahagi ng kanilang pagsisikap sa panunuri ang pagtuklas sa kamalayang maka-Pilipino.

Nasa panahon tayo ng pagtiyak sa wastong landas na dapat tahakin ng makabayang panunuring pampanitikan at pampelikula. Ang MPP ay bahagi tamang ng panahong iyan kaya't hindi laging maiiwasan ng ilan o ng (ahat ng kasapi ang pagkabitin sa balag ng Kanluranin at katutubo. Dahil diyan, paminsan-minsa'y may tututol na tila Kanluranin sa halip na maka-Pilipino ang mga pamantayan ng MPP. Mahalagang (inawin, samakatwid, na ang MPP ay binubuo ng mga kritikong may iba't ibang pananaw at estilo. Bukod sa kanilang opisyal na listahan ng mga pelikulang pinapupurihan, ang MPP ay wala nang iba pang "opisyal na opinyon." Hindi tinutungkol ng MPP ang pagpapahayag ng nagkakaisang kuru-kuro hinggil sa mga partikular na pelikula. Bawat Manunuri ay may sariling kuru-kuro na bunga ng sarili niyang pandam-dam, isipan, edukasyon at karanasan. Ang tanging nagbubuklod sa kanila ay ang paniniwala na bagaman produkto ng isang industriya ang pelikulang Pilipino, ito ay isa ring sining na maipaglilingkod sa ikayayaman ng pagkatao ng madlang nagbabayad upang panoorin ito. - Bienvenido Lumbera (Unang nalathala sa Sagisag, Agosto 1976.)

*The logo of the Manunuri ng Pelikulang Pilipino, designed by Cesar Hernando, spells out the acronym of the group, MPP, in strips of celluloid.

Rolando B. Tolentino

Kasalukuyang tagapangulo ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino. Siya ay Dekano ng Kolehiyo ng Komunikasyong Pangmadla ng UP, Professor sa UP Film Institute at Assoicate ng UP Institute for Creative Writing. Awtor at editor ng mga libro sa panitikan, kulturang popular, pelikula at media, siya ay nakapaglathala na rin sa mga internasyonal at nasyonal na publikasyon. Siya ay nag-visiting professor sa Osaka University at National University of Singapore. Tagapangulo ng Congress of Teachers and Educators for Nationalism and Democracy (CONTEND-UP), siya ay kolumnista sa online na mga publikasyong Pinoy Weekly at Bulatlat.


Grace Javier Alfonso

Tagapangulo, MPP, 2002-2003. BFA major in Painting, M.A. Art History in Humanities, Ph.D. Communication at Chancellor, UP Open University, Commisioner, Quezon City Film Development Council. Propesor at Founding Chairperson, Department of Film and Audio-Visual Communication, College of Mass Communication, University of the Philippines. Kinatawan para sa Women’s International Film Festival in Seoul, Korea 2003 at International Film Festival, Mannheim, Germany, 1987, 1988, 1989. Kasapi ng Film Committee, National Commission on Culture and the Arts 1989-91, at konseho, Founding President, Film School Board of the Philippines. Tagapangulo, UP Film and Video Festival 1998-hanggang ngayon. Kolumnista, Daily Tribune.


Butch Francisco

Tagapangulo, MPP, 1989-91. Nagtapos ng Creative Writing (screenwriting) sa Harvard University noong 1998. Kasalukuyang miyembro ng Cinema Evaluation Board at host ng Star Talk ng GMA. Nagrebyu ng mga pelikula tuwing Biyernes sa Butch Review, isang segment ng Cristy per Minute ng ABS-CBN. Naging host ng Showbiz Lingo sa ABS-CBN tuwing Linggo. Nagkolum sa People’s Journal at Times Journal. Nagsulat ng mga rebyu at panayam sa Philippine Daily Inquirer. Kolumnista sa The Philippine Star. Dating managing editor ng TV Times, Parade Magazine at We Forum at kolumnista at editor sa Malaya. Naging media director ng Film Academy of the Philippines. Nakapaglathala ng mga rebyu at artikulo sa Panorama at Sunday Magazine. Nagtapos ng Journalism sa Unibersidad ng Sto. Tomas. Hurado sa Gawad Telebisyon ng Sentrong Pangkultura ng Pilipinas ( CCP ), 1987 at 1989, sa Metro Manila Film Festival mula 1990 hanggang 1993, sa Catholic Mass Media Awards 1990-91, CCP Short Film and Video Festival 1991, Kapisanan ng mga Brodkaster sa Pilipinas (KBP) Award, 1990-91.


Mario A. Hernando

Tagapangulo ng MPP noong 2001-2002, 1985-86 at 1992-94. Editor ng Weekend Malaya. Dating Managing Editor ng pahayagang Malaya at Sunday Magazine ng Malaya. Kasapi sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) . Special lecturer sa film sa Faculty of Arts and Letters sa UST. Nagrebyu ng mga pelikula sa Movie Magazine, isang programa sa television na naging Channel S, sa loob ng pitong taon. Naging co-host ng Stars and Spies (naging S.S.S.), isang primetime talk show ng IBC 13, Hollywood Manila sa PTV4, Pamana ni Brocka sa PTV4, Tele-Vi sa PTV4, Editor ng isang aklat ang Lino Brocka: The Artist and His Times (nilimbag ng CCP, 1993). Kinatawan ang Pilipinas sa International Film Festival of Tashkent sa USSR noong 1988, International Film Festival of India sa Calcutta noong Enero 1990, Telluride at New York Film Festival sa Amerika noong 1991, ASEAN Film Week sa Singapore noong 1994, Focus on Asia 1996, Fukuoka International Film Festival, at 1999 Chicago International Festival. Kinatawan din ang Pilipinas sa International Visitor Program ng United States Information Service sa pitong lungsod sa Estados Unidos noong 1991. Hinirang na hurado ng FAMAS noong 1974, Catholic Mass Media Awards mula 1976-1980, Short Film Festival ng Experimental Cinema of the Philippines, Film and Video Festival ng CCP, Gawad CCP para sa Telebisyon, at Metro Manila Film Festival. May akda ng lathalaing nilimbag sa apat na libro sa pelikula at mass media.


Bienvenido Lumbera

Tagapangulo ng MPP, 1977-78, 1980-81. Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan 2006. Ginawaran ng Ramon Magsaysay Award noong 1993, ng Gawad CCP para sa Sining (cultural research) noong 1991, at CCP Centennial Honor for Arts noong 1999. Dating director ng UP Film Center, propesor ng Panitikang Pilipino sa Unibersidad ng Pilipinas, at dating editor ng Sagisag at Diliman Review. Nagtapos ng M.A. at Ph. D sa Comparative Literature sa Indiana University. Naging exchange professor sa Osaka University of Foreign Studies noong 1985-1988. Professor Emeritus sa College of Arts and Letters, UP.


Miguel Q. Rapatan

Tagapangulo MPP noong 2005-2008. Pinuno ng Cinema Committee ng National Commission for Culture and the Arts mula 2007. Propesor sa Departamento ng Komunikasyon sa De La Salle University. Sa pamamagitan ng Fulbright Grants, tinapos niya ang kanyang M.A. Communication (Documentary Film) sa Stanford University at Doctorate sa Communication, Computing and Technology in Education sa Teachers’ College, Columbia University (New York). Naging editor, manunulat at director ng di-iilang mga documentary at pang-edukasyon na video at programa at interface designer sa mga interactive multimedia game program tulad ng ASEAN Quest para sa ASEAN Foundation sa Jakarta, Indonesia. Kasalukuyang Director ng Center for Educational Multimedia sa De La Salle University – Manila.


Benilda S. Santos

Guro, makata, kritiko ng panitikang Filipino, at kasalukuyang Direktor ng Fine Arts Program ng Pamantasang Ateneo de Manila. Nagtapos siya ng Ph.D. Panitikang Filipino sa Unibersidad ng Pilipinas, at M.A. English Literature sa Ateneo de Manila kung saan siya nagtuturo sa Kagawaran ng Filipino, at naglingkod bilang tagapangulo nito sa loob ng limang taon. Dalawang taon din siyang Dekana ng Paaralan ng Humanidades ng Ateneo. Kinilala ng Carlos Palanca Memorial Awards for Literature ang kanyang mga tula sa koleksiyong Pali-palitong Posporo (1991, 1995), at Alipato: Mga Piling Tula (1999), at tumanggap naman ng National Book Award ang koleksiyong Kuwadro Numero Uno: Mga Tula (1996, 2005). Ipinagkaloob sa kanya ang Gawad Pambansang Alagad ni Balagtas (2003) bilang pagkilala sa kanyang kontribusyon sa tula at sanaysay sa Filipino. Ginawaran din siya ng Metrobank Most Outstanding Teacher Award noong 2007. Pinamatnugutan niya ang ilang teksbuk na pampanitikan at ang antolohiyang pangwika ng Sanggunian sa Filipino, Ang Wikang Filipino sa Loob at Labas ng Akademya’t Bansa: Unang Sourcebook ng SANGFIL 1994-2001 (2003). Ang kanya namang mga panayam at iba pang papel ay inilathala sa mga sumusunod na dyornal at antolohiyang kritikal: Diliman Review, Daluyan (Dyornal ng Sentro ng Wikang Filipino sa Talakayang Pangwika), The RAP Journal (Journal of the Reading Association of the Philippines), Tomas (Literary Journal of the University of Santo Tomas Center for Creative Writing and Studies), Fine Print (Journal of the Department of Communication, De La Salle University), Reading Popular Culture (1991), at Aliw: Selected Essays on Popular Culture (2000).


Dr. Nicanor G. Tiongson

Propesor sa UP Film Institute. Dating dekano ng Kolehiyo ng Pangmadlang Komunikasyon, Unibersidad ng Pilipinas, Diliman. Naging Chairman ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB). Noong 1998, isa siya sa isandaang manggagawang pangkultura na tumanggap ng CCP Parangal sa Sining at Kultura. Nagsilbi siya bilang artistic director at bise presidente ng Sentrong Pangkultura ng Pilipinas (1986-1994) at visiting professor sa Osaka University of Foreign Studies, Japan (1994-1998). Siya ay kasaping tagapagtatag at dating pangulo ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino. Bilang iskolar, nakapagpalimbag na siya ng ngayo’y kinikilalang pag-aaral sa senakulo, komedya at sarsuwela, at pati na rin ng maraming artikulo sa dula, pelikula, panitikan, kasuotan, at kulturang Pilipino sa mga dyornal na lokal at internasyonal. Siya ang editor ng 10-bolyum na CCP Encyclopedia of Philippine Art at ng Tuklas Sining ng CCP, ang 28 video at monograph tungkol sa Sining na Pilipino.Inedit din niya ang dalawang antolohiya ng mga sanaysay ng Manunuri, ang The Urian Anthology 1970-1979, at The Urian Anthology 1980-1989. Nakapagsulat na rin siya sa ng mga libretto para sa sayaw, tulad ng Siete Dolores, Adarna at Realizing Rama at ng iskrip para sa mga video documentary tungkol sa mga dula, kasuotan at tradisyong Pilipino. Siya at ang kanyang mga akda ay tumanggap ng mga gawad mula sa Manila Critics Circle, Surian ng Wikang Pambansa, UP Alumni Association, at National Research Council of the Philippines.


Tito Genova Valiente

Isang public anthropologist at film educator. Sa kasalukuyan, siya ay bahagi ng Japanese Studies Program ng School of Social Sciences ng Ateneo de Manila University, kung saan siya’y nagtuturo ng mga kursong Japanese Cinema, Japanese Literature at Philippine-Japan Relations. Bilang antropologo, nagpakadalubhasa siya sa Rikkyo University, sa Tokyo, Japan bilang iskolar ng Monbusho. Naging Research Fellow din siya ng Japan Foundation. May kolum sa Business Mirror na may pamagat na “Reeling.” Sa naturang pahayagan, siya ang resident art and media critic. Nakapaglathala na rin siya ng mga sanaysay at mga research reports tungkol sa kulturang popular, diaspora ng mga Pilipino at ang transnasyonalisasyon ng musika, pelikula at dula. Nagsusulat din siya sa lokal na pahayagang Vox Bikol sa Naga City kung saan lumalabas ang kanyang kolum na “Signos.” Mayoral Award siya ng Naga City nitong taong 2009 sa kanyang kontribusyon sa Bikol anthropology, arts at journalism.


Lito B. Zulueta

Peryodista at editor ng Philippine Daily Inquirer at guro ng peryodismo, panatikan at pelikula sa University of Santo Tomas. Nagkamit ng 2008 National Book Award in History. Kasalukuyang National Secretary ng Philippine Center of the International PEN (Poets and Playwrights, Essayists, Novelists) at Henry Irwin Professorial Chair in Literature holder ng Ateneo de Manila University. Naging Associate Editor ng Manila Chronicle kung saan siya nagwagi ng Best Editorial noong 1993 sa Journalism Awards ng Manila Rotary Club. Nagkamit na rin siya ng Gantimpalang Palanca para sa sanaysay sa Ingles. Ang kanyang mga review at kritisismo ay regular na lumalabas sa PDI at Metro Magazine. Sumulat ng mga dokumentaryong pangtelebisyon tulad ng Revolucion, ang natatanging dokumentaryo ng ABS-CBN para sa sentenaryo ng kalataan ng Pilipinas noong 1998. Naging British Council fellow sa 27th Cambridge Seminar on Literature sa Downing College, England noong 2001, at Japan Foundation fellow sa 17th Tokyo International Film Festival noong 2004, kung saan nagbigay siya ng panayam tungkol sa Southeast Asian cinema sa Waseda University. Miyembro ng hurado sa Cinemalaya Film Festival noong 2007 at 2008, at sa Cinemaone Originals noong 2008.

This action might not be possible to undo. Are you sure you want to continue?

0 thoughts on “Manggagawang Filipino Essayists”

    -->

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *